Mabuhay, Pilipinas!

Ang XuanFa Institute ay isang non-profit at international na organisasyon na itinatag ng Kagalanggalang (Venerable) Zhaxi Zhuoma Rinpoche para ipalaganap at ipahiwatig sa lahat ang mga katotohanan ng mga banal na pangaral ni Buddha. Ang mga banal pangaral na ito ay tinatawag na Dharma. Sa pamamagitan ng Dharma, ang lahat ay may pagasang mailigtas o mapalaya sa lahat ng mga paghihirap ating dinaranas ng dahil sa ating mga karma ng mga nakalipas nating buhay. Ang kaligtasang aking binabanggit ay makakamtan sa pamamagitan ng lubos na pagunawa o pagkakaintidi ng mga katangian ng ating pagkatao o pagkabuhay ng lahat ng may buhay mula sa oras na tayo ay ipinanganak hanggang sa oras na tayo ay papanaw. Ang mga Dharma na ito na itinatag ni Shakyamuni Buddha ay nahahati sa tatlong klaseng grupo (The 3 Vehicles) at ito ay ang (1) mga Katangian ng Theravada (Fundamentals of Theravada), (2) Exoteric Mahayana (bukas para sa lahat) , at (3) Esoteric Vajrayana (mga sekretong pangaral na natatangi para lamang sa isang tao o isang grupo).

Ang Xuanfa Institute ay may Dharma Division na nakalaan para sa pagpapalaganap ng mga totoo at tamang pangaral ng Dharma na magliligtas o magpapalaya sa lahat. Mga espesyal na klase, retreats, at mga edukasyonal na mga programa ay kasali sa mga aktibidad ng institusyon. Ang mga ito ay kadalasang ginaganap sa Sanger, California, USA at iba pang mga kaugnay na pasilidad sa ibang lokasyon. Marami ring mga pasilidad, gaya ng mga dharma centers, mga institusyon, mga templo, mga retreat centers, at mga monasteryo na kaugnay sa Xuanfa Institute, ay maaring puntahan ng mga tao para matutunan at magsanay ng mga pangaral ng Dharma. Ang Rinpoche ay isang spiritual na guro o advisor ng mga pasilidad na ito.

Ang Xuanfa Institute ay meron ring Division ng Tagapagsalin (Translation Division) ng mga pangaral ng Kabanalbanalang (His Holiness) Dorje Chang Buddha III para sa mga taong hindi nagsasalita ng wikang Chinese o Intsik. Sa ngayon, maraming mga pangaral ng H.H. (His Holiness) Dorje Chang Buddha III ang isinasalin sa iba't ibang wika, karamihan ay Ingles, para magamit at ipangaral sa iba't ibang lokasyon ng mga dharma centers at mga templo na suportado ng Xuanfa Institute.

CLICK HERE para sa mga lista ng mga pasilidad na nasa USA, CANADA, at EUROPE at mga balita ukol sa mga bagong lokasyon sa ibang lugar.

Sa kasalukuyan, kami ay nagpaplanong magbukas ng dharma center sa Pilipinas. Kung ikaw o may kilala kang interesado, paki-email ako sa address na ito: chandramani@xuanfainstitute.org.

Ang lahat ng kabutihang matatanggap namin sa mga gawaing ito ay inaalay namin sa lahat ng mga Buddhas at Bodhisattvas ng sampung direksyon. Nawa ang lahat ng mahahalagang pangaral na ito ay makatulong at makadagdag sa karunungan at kaalaman ng lahat. Nawa ang lahat ay mabuhay ng mapayapa, masagana, at walang paghihirap.

Maraming Salamat Po!

Venerable Zhaxi Zhuoma Rinpoche



www.zhaxizhuoma.net


© 2010| Questions and comments: contact chandramani@xuanfainstitute.org